Women’s Football Team ng Pilipinas, kinilala ng Senado

Sports
Women’s Football Team ng Pilipinas, kinilala ng Senado

KINILALA ng Senado ang pagkapanalo ng Women’s National Football Team noong July 2022 sa ginanap na AFF Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium, Manila.

Kasalukuyan namang naghahanda ang team para sa World Cup na gagawin ngayong July 22 hanggang August 20, 2023 sa Australia at New Zealand.

Si Senator Pia Cayetano ang sponsor ng resolusyon para kilalanin ang “Filipinas”.

Kung matatandaan, maliban sa AFF Women’s Championship, qualified din ang Filipinas sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa unang pagkakataon.

Sa buong FIFA rankings, nasa-49 na puwesto ang Filipinas.



Related Posts