Super Junior D&E, magkakaroon ng fan concert sa Pilipinas sa Setyembre

Showbiz
Super Junior D&E, magkakaroon ng fan concert sa Pilipinas sa Setyembre

MAGDARAOS ng fan concert ang grupong Super Junior D&E sa Pilipinas sa darating na Setyembre.

Sa official social media post ng management ng K-pop group, gaganapin ang “Delight Party, World Tour” Concert sa Manila sa Setyembre 30.

Ang nasabing world tour ay magsisimula sa Seoul na susundan ng Taipei, Bangkok, Jakarta, Ho Chi Minh, Kuala Lumpur hanggang sa Manila.

Bagaman hindi pa tukoy ang pinal na lokasyon ng concert, nagpalabas na ng pagkasabik ang Filipino fans sa pagdating ng K-pop group sa bansa.

Ang grupong Super Junior D&E ay isang sub-unit ng long-running K-pop boy band na super junior na nag-debut noong 2011 na binuo nina Donghae at Eunhyuk.

Related Posts