Orihinal na aktres ng role na Wednesday Addams na si Lisa Loring, pumanaw na
Showbiz

Share
PUMANAW na ang orihinal na aktres na gumanap bilang si Wednesday Addams na si Lisa Loring sa edad na 64-taong gulang dahil sa stroke.
Ayon sa ulat ng anak ni Loring, pumanaw si Loring sa ospital na napalilibutan ng kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ayon sa kaibigang author ni Loring na si Laurie Jacobson, inatake ng malalang stroke ang aktres dala na rin ng paninigarilyo at high blood pressure at naka-life support na lamang ito sa nakalipas na 3 araw bago mapagdesisyunan ng kanyang pamilya na tanggalin ang aparato.
Ginampanan ni Loring ang iconic role na Wednesday Addams sa unang adaptation ni Charles Addams’ simula taong 1964 hanggang 1966 noong siya ay 5-taong gulang pa lamang.