Search and rescue operations, isinagawa sa nawawalang helicopter sa Palawan

Regional
Search and rescue operations, isinagawa sa nawawalang helicopter sa Palawan

NAGSAGAWA ng aerial search and rescue operations ang Sokol Helicopter ng 505th Search and Rescue Group sa bisinidad ng Balabac at Mangsee sa Palawan.

Ito ay para mahanap ang nawawalang medical evaluation chopper ng Philippine Adventist Missionary Aviation Services (PAMAS), Marso 1.

Ayon kay Philippine Air Force, spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, nakikipagtulungan ang Sokol aircrew sa BRP Jose Rizal (FF-150) ng Philippine Navy sa bisinidad ng Balabac upang mahanap ang nawawalang helicopter.

Sakay ng nawawalang helicopter ang piloto, nurse, pasyente at dalawa pang kasamahan.

Galing sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan ang helicopter at patungong Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point nang mawala sa radar ng Civil Aeronautics Authority of the Philippines (CAAP).

Related Posts