Naval shipyard kung saan gagawin ang Acero-class gunboats, kumpleto na

PORMAL nang tinanggap ng Philippine Navy ang documentation at keys ng bagong ayos na Naval shipyard sa Naval Station Pascual Ledesma sa Cavite City.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Naval Sea Systems Command Commander Commodore Mac Raul Racacho, kung saan tinanggap ni Naval Shipyard for Initial Operation and Sustainment Commander Navy Captain Nestor Galindo ang documentation at keys mula kay Israel Shipyards Limited Marketing Director Noam Katsav.
Ito ay bilang bahagi ng Fast Attack Interdiction Craft – Missile (FAIC-M) Acquisition Project.
Nabatid na gagawin sa Pilipinas ang tatlong FAIC-M vessels na magiging bahagi ng fleet ng Acero-class Patrol Gunboats.
Itinuturing na “milestone” sa Self-Reliant Defense Posture Program (SRDP) ang proyekto na kabilang sa 10-point agenda ng Department of National Defense.