3 hinihinalang drug pusher, tiklo sa Camarines Sur

ARESTADO ang tatlong hinihinalang drug pusher sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa Camarines Sur.
Sa ulat kay Police Brigadier General Rudolph Dimas, regional director ng Police Regional Office (PRO) 5, kinilala ang mga suspek na sina Joel Santamaria, alyas Karabaw; Alfredo Lumbis, alyas Fred; at Eric Prado.
Kabuuang 41,500 piso ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa mga suspek na sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni General Dimas ang operating team sa kanilang mahusay na pagtupad sa tungkulin upang mawala ang impluwensya ng iligal na droga sa mga komunidad.
Patuloy aniya na palalakasin ng PRO 5 ang kanilang kampanya bilang suporta sa multisectoral campaign ng DILG na kilala bilang ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ (BIDA) Program na naglalayong bawasan ang demand ng droga.