Holographic feature sa loob ng PNP Museum, magiging bagong atraksiyon sa Kampo Krame

National
Holographic feature sa loob ng PNP Museum, magiging bagong atraksiyon sa Kampo Krame

SISIBOL na sa susunod na mga araw sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters sa loob ng Kampo Krame ang isang panibagong atraksiyon sa PNP Museum.

Ang museo ay isang makabagong inobasyon sa pagpapakilala at pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng PNP sa pamamagitan ng holographic background.

Sa panayam ng SMNI kay Dr. Liz Villaseñor, Musuem Director, magsisilbing legacy project ito ng kasalukuyang hepe ng PNP na si Police General Rodolfo Azurin, Jr.

Ayon kay Villaseñor, kauna-unahan itong atraksiyon sa loob ng PNP Museum, hindi lang para magbigay ng kaalaman sa publiko kundi mailalapit din sa tao ang masagana at makulay na kasaysayan ng kapulisan sa bansa.

Sa ngayon, patuloy ang renobasyon ng grupo ni Villaseñor sa PNP Museum para sa mas malawak pa nito na kaalaman na kapupulutan ng mga bibisita sa lugar.

Si Villasenor ay isang dalubhasa sa pagsasaayos at pagpapakilala sa mga makasaysayang istorya ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Philippine Navy Museum na malapit sa kanyang propesyon at adbokasiya.

Inaasahang tatapusin ang kanyang proyekto sa Kampo Krame hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

Related Posts