DILG chief, inamin na may police generals at colonels ang sangkot sa iligal na droga

National
DILG chief, inamin na may police generals at colonels ang sangkot sa iligal na droga

SINORPRESA ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr., ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng ginawa nitong anunsiyo na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Pinagsusumite kasi ng courtesy resignation ni Abalos ang lahat ng police general at police colonel na masasangkot o may kinalaman sa transaksiyon ng iligal na droga.

Paglilinaw ng DILG chief, batay ito sa rekomendasyon ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr., kasunod na rin ng ilang buwan na pag-aaral.

Dito ay napag-alaman nila ang lawak ng problema ng iligal na droga lalo na ang pagkakasangkot ng ilang opisyal ng PNP.

Matatandaang halos naging sunud-sunod ang anti-illegal drug operations ng PDEA at PNP noong nakaraang taon kung saan nakakumpiska ang mga awtoridad ng aabot sa isang libong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit anim na bilyong piso sa Tondo, Maynila.

Sa panig ng PNP, nakahanda sila na sumunod sa pakiusap na ito bilang suporta na rin sa nagpapatuloy na internal cleansing sa PNP.

Sa katunayan, walang ligtas ang mismong hepe ng pambansang pulisya kaugnay sa paghahain ng courtesy resignation.

Sa huli, pinawi ng DILG na hindi dapat na mag-alala ang mga opisyal lalo na kung hindi sila sangkot sa iligal na droga.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Related Posts