Pagdiriwang ng February National Arts Month, tampok ang likha ng sining ni Kristine Lim

Metro
Pagdiriwang ng February National Arts Month, tampok ang likha ng sining ni Kristine Lim

SA pagdiriwang ng National Arts Month, ang Manila Clock Tower Museum ay nagsagawa ng kanilang unang solo exhibit ng kilalang missionary visual artist na si Kristine Lim nitong  Miyerkules, Pebrero 1, 2023.

Dumalo sa ribbon cutting ceremony sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto, Second District Councilor Numero Uno Lim, at Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo.

Si Kristine Lim, na isa ring navy reservist, ay nagpakita ng larawan ng alkalde sa pagbubukas ng exhibit.

Isa pang likha ng sining na pinamagatang “Himig sa May Nilad” ang naibigay rin sa museo.

Ang exhibit ay tatakbo mula Pebrero 1 hanggang 4, 2023 sa Manila Clock Tower Museum.

 

Follow SMNI News on Twitter

Related Posts