Operator ng umano’y overloading na modern jeep, ipinatatawag ng LTFRB

Metro
Operator ng umano’y overloading na modern jeep, ipinatatawag ng LTFRB

NAGLABAS na ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng umano’y overloading na modern jeep.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang video ng isang pasahero nito na nahimatay dahil sa umano’y siksikan habang bumibiyahe sa Marcos Highway, Pasig City.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, ipinatatawag na nila ang Easyway Transport Service and Multipurpose Cooperative upang magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat masuspinde o matanggalan ng Certificate of Public Convenience (CPC) o prangkisa dahil sa paglabag sa “overloading of passengers.”

Ipinahaharap sa pagdinig ng LTFRB ang kinatawan ng naturang kooperatiba sa Pebrero 16, 2023.

Pinasasagot din ang operator sa loob ng 5 araw mula nang matanggap ang show cause order. modern jeep

Batay sa alituntunin ng LTFRB, ang modern public utility vehicle ay dapat na may hanggang 28 pasahero lamang, 23 nakaupo at 5 ang nakatayo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Related Posts