Marikina River, 20% nang tapos—DPWH
Metro

Share
INIHAYAG ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na 20% nang tapos ang construction ng Marikina River.
Sa taong 2025 tinatayang nasa 80-90% nang tapos ang proyekto.
Ibig sabihin luluwag na ang ilog ng Marikina at mababawasan na ang dating mataas na bahang nararanasan ng mga residente sa lungsod sa panahon ng tag-ulan.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP).
Ang pagbabawas sa lubos na pagbabaha sa Metro Manila na dulot ng pag-apaw ng tubig sa Ilog Pasig-Marikina, kasama ang pagsasaayos ng kapaligiran sa tabing-ilog nito ang pinaka layunin ng proyekto.