Pamilya ng mga manggagawa ng KOJC South Luzon, extended ang Pasko mula kay Pastor Apollo

EXTENDED ang naging Pasko para sa mga pamilya ng mga fulltime workers ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa South Luzon matapos na makatanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Bagama’t buwan na ng Enero ay hindi pa rin tapos ang Pasko para sa lahat ng pamilya ng mga fulltime workers ng The Kingdom of Jesus Christ matapos muling mamahagi si Pastor Apollo C. Quiboloy ng daan-daang gift packs na bahagi ng kanyang gift-giving program na isinasagawa kada taon.
Katuwang ang mga volunteers mula sa iba’t ibang KOJC Centers sa buong Pilipinas ay inorganisa ng mga ito ang gift giving activity kung saan isinagawa ang 5 araw na door to door operation mula sa paghahanda hanggang sa distribusyon sa mga lugar ng mga pamilyang benepisyaryo.
Sa mga probinsya ng South Luzon- mula sa Batangas, Mindoro, Laguna, Quezon Province at Bicol Region bagamat kilo-kilometro ang layo ng mga benepisyaryo ay matiyagang sinuyod ng mga volunteers ang bundok at dagat upang maihatid sa mga ito ang regalong handog ng butihing Pastor para sa kanila.
“Maraming salamat sa padala ni Pastor. Maraming salamat sa Panginoon kasi siya ang ginawang tulay ng mga biyaya para sa akin. Maraming salamat. Pati sa inyong nagdala dito, naglaan kayo ng panahon, oras, para mabigay sa akin, matanggap ko na rin yung biyaya na galing sa kaniya. Maraming salamat,” ayon kay Sonia Odtojan, beneficiary.
15 kilometro mula Masbate City ay tinungo naman ng mga volunteers ang bayan ng Milagros kung saan nakatira si Darina Rosel. Sakay ng bangka ay matiyagang inihatid ng mga ito ang regalong inihanda para sa kanila.
“Masaya po kami dahil nakatanggap kaming muli ng regalo galing kay Pastor. Maraming salamat po,” ayon kay Darina Rosel, benefeciary.
“Salamat po Pastor sayong regalo kahit gaano kami kalayo, kahit na kailangan pang tumawid ng dagat, nakarating pa rin ang iyong regalo para sa amin, para sa aming Mama. Maraming salamat po,” pasasalamat ng kanyang anak, isang manggagawa.
Samantala abot-langit din ang pasasalamat ng iba pang mga kamag-anak ng mga fulltime workers na nakatanggap ng gift packs mula sa butihing Pastor.
“Nagpapasalamat at malaking pasasalamat sa pag-ibig na aming natanggap, Pastor, maraming maraming salamat sa iyong pag-ibig, sa regalo na aking natanggap, maraming maraming salamat, lubos ang kagalakan sa aking natanggap maraming salamat, Pastor,” pahayag naman ni Anesia Canillas, beneficiary.
“Nagpapasalamat po ako ng lubusan sa inyo dahil napakadakila po ng puso ninyo dahil naabot po kami ng mga pagpapala na galing po sa inyo. Nagpapasalamat po ako sa inyo Pastor dahil hindi mo po kami nakakalimutan kahit napakalayo kami- napakalayo po ng aming lugar,” pasasalamat naman ni Ida Dineros, beneficiary.
“Maraming maraming salamat talaga kahit na napakalayo ng aming lugar ay nakarating pa din ang iyong gift giving activity para sa pamilya ng mga full-time worker na hindi mo nakakalimutan sa pag-alay ng kanilang buhay para sa Ama. Thank you pastor, thank you,” mula naman kay Dina Lagac, beneficiary.
Tunay nga na di matatawaran ang mensahe ng pag-ibig at pagbibigayan, gaya ng Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo C. Quiboloy na walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan na siyang ating nagsisilbing gabay at tanglaw.