PACQ: PBBM, wais na paglalagay kay VP Sara sa NTF-ELCAC

ISA sa mga pinakawais na desisyong ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay ang pagkakatalaga kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang naging magandang tugon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ matapos malamang hawak na ng bise presidente ang task force bilang co-vice chair.
“It’s one of the best decisions that has been made by our President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, because Vice President and Secretary of Education Sara Zimmerman-Duterte is not only capable but she is a hardliner regarding the communist terrorist NPA insurgency,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Ayon pa kay Pastor Apollo, tulad ng sinabi ni VP Sara, napakahalaga ang papel ng edukasyon upang tapusin ang panlilinlang sa mga kabataan sa maling ideolohiyang ikinakampanya ng mga komunistang teroristang grupo.
“Napaka-agree ko diyan, kasi kailangan mamulat ang kaalaman at kaisipan ng ating mga kababayan sa panloloko at panlilinlang ng CPP-NPA-NDF at ng kanilang allied organization, na nasa white area na siyang nagre-recruit ng mga kabataan upang ito’y mailugmok sa kasamaan ng armadong pakikibaka na wala namang kapupuntahan at namamatay lang ang mga kabataan. Kaya massive education ang kinakailangan at information sa ating kabataan,” dagdag ni Pastor Apollo.
Pastor ACQ, dinepensahan si VP Sara vs mga makakaliwang grupo
Dinepensahan naman ng butihing Pastor ang bise presidente laban sa mga makakaliwang grupo na binabatikos ang pagkakatalaga sa kaniya sa NTF-ELCAC.
“Hindi sila puwedeng mag-judge sa ating vice president, sapagkat hindi nila alam ang pagiging matapat ng ating vice president. Ako alam ko sapagkat siya ay lumaki sa Davao at naging mayor namin dito, at siya ay matuwid na tao at mapagkakatiwalaan. Ang mga funds na nasa kaniya ay gagamitin niya para sa pag-i-inform ng tao at upang maihinto na ang recruitment sa mga paaralan nitong mga CPP-NPA-NDF terrorist groups,” ayon sa butihing Pastor.
Ayon pa kay Pastor Apollo, natatakot lang ang mga ito sa bise presidente sapagkat hindi red-tagging kundi truth telling ang ginagawa ni VP Sara.
“Kaya natatakot sila, nababahala sapagkat ito’y talagang pana sa kanilang puso na tinatamaan nilang panlilinlang sa taumbayan at sa mga kabataang nasa paaralan,” dagdag ng butihing Pastor.
Ibinahagi rin ni Pastor Apollo na kaniyang idinalangin si VP Sara sa kaniyang katungkulan upang wakasan na ang problema sa mga teroristang grupo.
Pastor ACQ, nangakong susuportahan si VP Sara sa kaniyang tungkulin sa bayan
Sa huli, nangako naman si Pastor Apollo ng kaniyang suporta kay Vice President Duterte anumang pagsubok ang kaniyang kaharapin sa paglilingkod sa bayan.
“Sa bago niyang katungkulan, ang bayan ay nagpapasalamat. Ito na nga ang pasimula ng malaking katagumpayan para sa ating bayan. Kaya ang mensahe ko sa ating marangal, matalino, at maganda na vice president, at ngayo’y vice co-chair ng NTF-ELCAC, go on with your work, go on with your good work….”
“We will be behind you, we will protect you and we will be your strength in times of challenges that will come upon you. We will be there. We will support you and we will always be at your back and we will always pray for you,” pagtatapos ng butihing Pastor.