Mga nasawi dahil sa matinding lindol sa Turkiye at Syria, umabot na sa higit 50,000
International

Share
UMABOT na sa higit 50,000 katao ang namatay dahil sa matinding lindol na yumanig sa Turkiye at Syria noong unang linggo ng Pebrero.
Sa pinakahuling tala ng awtoridad at medics, nasa 5,951 na katao ang namatay sa Syria habang nasa 44,374 naman ang nasawi sa turkey at mayroon nang 51,325 na kabuoang bilang ang pumanaw sa parehong bansa dahil sa lindol.
Ayon sa Syrian government, nasa 1,414 na katao ang namatay sa mga lugar na nasa ilalim ng kontrol nito habang sinabi naman ng Turkish-back officials na nasa 4,537 ang namatay sa mga lugar na sakop ng rebelde sa bansa.
Ang death toll ay naisapinal dahil sa tulong ng Assistance Coordination Unit (ACU) organisation na local partner ng United Nations.