Japan, dinagdagan ang mga indibidwal at kompanya sa Russia na pinatawan ng sanction dahil sa Ukraine

International
Japan, dinagdagan ang mga indibidwal at kompanya sa Russia na pinatawan ng sanction dahil sa Ukraine

NAGDESISYON ang Japan na muling dagdagan ang mga indibidwal at organisasyon na papatawan nito ng sanction dahil sa ugnayan sa Russia at sa pananakop nito sa Ukraine.

Ang sanction kabilang ang pag-freeze nito ng assets at pag-ban sa export ng ilang negosyo sa Japan ay target ang mga politiko, military officers, negosyante at mga kompanya sa Russia.

Kabilang ang Wagner Group, private military firm ng Russia sa bagong listahan ng sanctions sa Japan.

Itinalaga rin ang Wagner ng Estados Unidos bilang isang transnational criminal organization dahil nagpadala umano ito ng 50 libong personnel sa Ukraine.

Matatandaan na pinangunahan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang G7 online summit noong Biyernes kung saan isa sa pangunahing pinag-usapan ay ang pagpapaigting ng sanctions sa Russia.

Related Posts