Cobra Gold Military Exercises, nagsimula na sa Thailand

International
Cobra Gold Military Exercises, nagsimula na sa Thailand

LIBU-libong armed forces mula sa 30 bansa ang dumating sa Thailand para sa taunang Cobra Gold Military Exercise.

Nangako ang Estados Unidos na ipapadala ang pinakamalaking bilang ng personnel nito para sa ika-42 Cobra Gold Exercises na nagsimula sa Thailand ngayong linggo.

Ang 2 linggong military exercise ay nagsimula noong Lunes at magtatapos sa ika-10 ng Marso.

Ang military exercise ngayong taon ay magkakaroon ng  6 na libong personnel mula sa Estados Unidos, ang pinakamalaking delegasyon nito sa ilang dekada.

Bilang parte ng tradisyon, 7 bansa kabilang ang Thailand, Estados Unidos, Singapore, Japan, Indonesia, South Korea at Malaysia ang lalahok sa war exercises habang ang China, India at Australia ay lalahok naman sa humanitarian aid exercises habang ang iba ay tatayo bilang tagapagmasid.

Ang drills ay isasagawa sa mga probinsya ng Thailand sa Lopburi, Chanthaburi, sa Kaeo at Rayong.

Ang Cobra Gold Exercise ay nag-ooperate mula pa noong 1982 at ito ang pinakamalaking Asia Pacific Military Exercise na ginagawa bawat taon sa pagitan ng Thailand at Estados Unidos.

Related Posts