Bumaril kay dating PM Abe, nahaharap sa kasong murder

International
Bumaril kay dating PM Abe, nahaharap sa kasong murder

KINASUHAN ng mga prosecutor ng kasong murder at paglabag sa firearms control law ang lalaki na bumaril kay dating Prime Minister Shinzo Abe sa panahon ng kampanya sa halalan sa kanlurang lungsod ng Nara ng Japan noong Hulyo.

Kasunod ng mga mental examination, napag-alaman ng mga prosecutor sa Nara Prefecture na kayang harapin ni Tetsuya Yamagami ang pagdinig sa kanyang kaso.

Ayon kay Yamagami, mayroon siyang galit sa Unification Church, isang relihiyosong grupo na kilala para sa mass weddings maging sa malawakang donation solicitation nito.

Tinarget umano nito si Abe dahil apo si Abe ni dating Prime minister Nobusuke Kishi na tumulong sa Unification Church na magtatag ng kongregasyon nito sa Japan.

Dagdag pa ni Yamagami, ang malaking donasyon ng kanyang ina na umaabot sa isandaang milyong yen ay nagdulot ng kahirapan sa kanyang pamilya.

Matatandaan na si dating Prime Minister Abe, ang pinakamatagal na lider ng Japan sa pwesto ay namatay Hulyo 8 noong nakaraang taon matapos barilin habang nagpapahayag ng kanyang campaign speech dalawang araw bago ang House of Councilors election.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Related Posts