US-based resto Ruth’s Chris Steakhouse, dadagdagan ang branches sa Pilipinas
Business

KINOKONSIDERA na ng US-based restaurant chain na Ruth’s Chris Steakhouse ang pagtatayo ng dalawa pang branches dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Kieran Galway, ang regional director ng nabanggit na restaurant chain sa Asia-Pacific, nakitaan niya ng potensyal ang magiging branches nito sa Pilipinas na uunlad kaya plano nila itong dagdagan.
Aniya pa, sa buong Asya, ang mga Pilipino ang “super fan” ng Ruth’s Chris Steakhouse.
Ang tanging branch ng restaurant sa Pilipinas ay matatagpuan sa Ore Central Tower sa BGC.