Founder ng Go Negosyo sa malalaking agri firms: Tulungan ang mga micro farmers

HINIMOK ng founder ng Go Negosyo na si Jose Maria “Joey” Concepcion III ang malalaking kumpanya ng agrikultura na tulungan ang mga micro farmers sa bansa.
Ayon kay Concepcion, sinisikap niyang isulong ang Kapatid Angat Lahat sa Agri Program (KALAP), na tumutukoy sa isang inisyatiba na pinangungunahan ng pribadong sektor na naglalayong tulungan ang mga MSME ng bansa sa sektor ng agrikultura.
Sa kabilang banda, sinabi ni Concepcion na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay maaaring maging isang magandang bagay dahil maaari itong mag-udyok ng makabuluhang pagbabago sa industriya ng agrikultura sa bansa.
Dagdag pa nito, ang RCEP ay inaasahang magkakaroon ng malaking epekto sa mga miyembrong estado ng Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN), dahil lalo pang isasama nito ang kanilang mga ekonomiya sa iba pang mga miyembro ng RCEP.